Kung ikaw ay Filipino ang maikling article na ito ay para sa iyo. Kung ikaw naman ay isang banyaga o foreigner at nakakaintindi ka ng wikang Filipino para rin ito sayo nang sa ganon ay magkaroon ka ng mas malawak na kaalaman tungkol sa aming mga Filipina.
Maraming magagandang katangian ang isang Filipina bukod sa kagandahang pinagkaloob ng ating Diyos na maykapal at di matatawarang mga talento. May mga kaibigan ako sa ibayong dagat na nagtataka kung bakit nagkalat ang hindi magagandang imahe ng isang Filipina sa cyberspace gayong hindi naman ito ang tunay na mukha ng mga Filipina. Ayon na rin sa kanila ay tayong mga Filipina ay mga “remarkable” people dahil sa nakita nilang ating angking talento at katalinuhan sa maraming aspeto at larangan ng industriya at agham.
Naisip kong isa-isahing banggitin ang mga sikat na Filipina sa loob at labas ng ating bansa at ipagmalaki ang kanilang mga achievements para sa kaalaman ng buong mundo pero mayroon akong naisip na mas magandang paraan para maisalarawan sa inyo kung ano nga ba ang katangian ng isang tunay na Filipina.
Napili kong sumulat tungkol sa isang Filipinang malapit sa akin, sobrang talino at mayaman sa talentong kanya namang ginagamit para sa ikabubuti ng kanyang pamilya lalung-lalo na ng kanyang anak at sa ikararangal na rin ng ating bayan.
Siya ay nagmula sa isang marangyang pamilya na sa kabila ng paglipas ng panahon ay naniniwala pa rin sa mga tradisyong tatak Filipino. Bukod sa pagiging isang mabuting anak siya rin ay isang mabuting Kristiyano at aktibo sa kanilang simbahan sa katunayan nga siya ay miyembro ng kanilang church choir at sumusulat din siya sa newsletter ng kanilang simbahan. Isa siya sa mga taong sumusuporta sa layuning kontra sa abortion.
Nagtapos sa isa sa mga kilalang eskuwelahan sa bansa (siyempre ‘wag na nating sabihing mayroon siyang master’s degree sa edad na ‘wag na rin natin sabihin…LOLz), at nakapagtrabaho sa ilan sa mga malalaking kumpanya sa lungsod bago pa man siya maging kauna-unahan at kaisa-isang Filipina country consultant ng google.
Pero bago niya marating ang kanyang tinatamasang tagumpay ngayon ay kataku-takot na hirap muna ang kanyang pinagdaanan. Pero hindi siya sumuko bagkus lalo pa siyang nagsumikap para lang maabot ang kanyang kinalalagyan ngayon. Ang isa sa mga pangarap niya na siya namang nagsilbing driving force niya sa kanyang pagsisikap ay ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak.
Taimtim na panalangin at pagtitiwalang hindi siya pababayaan ng Diyos buong tapang niyang hinarap ang bawat pagsubok na dumaan sa kanyang buhay. At dahil na rin sa isa siyang mabuting tao kung kaya naman mayaman siya sa mga kaibigang nagmamahal sa kanya ng lubos…mga kaibigang nagsilbing witness sa bawat tagumpay at kabiguan niya sa buhay. (at ngayong may "Sweetie" siyang sobrang mahal na mahal siya alam kong wala na siyang mahihiling pa!)
Ang taong ito ay sadyang matatag dahil sa kabila ng mga pinagdaanan niyang kabiguan sa career man o sa pag-ibig ay hindi siya sumuko. Dahil lagi siyang naniniwalang may kapalit na maganda ang bawat sakripisyo at paghihirap niya…eh well totoo naman.
Ngayon isa na siya sa mga tinuturing na icon ng mga bloggers, maraming mga executives ang nagpapaturo sa kanya kung paano mag-blog. Isa rin siya sa mga tinuturing na expert pagdating sa Internet & Mobile Marketing. Ilan lamang yan sa mga di matatawarang achievements niya.
Maraming magagandang opportunities para sa ibang bansa na siya manirahan at duon na rin ipagpatuloy ang kanyang career pero sadyang mahal niya ang Pilipinas at dito niya nais na manirahan.
Bukod sa pagkanta mahilig din siya gumawa ng mga kwintas at bracelet na yari sa beeds, mahilig din siya sa OPM o Original Pilipino Music. Masayahing tao at mapagmahal sa lahat ng kanyang mga kaibigan laging handang tumulong…yan si Aileen Apolo ang best friend ko…at para sa akin siya ay isang magandang imahe ng isang tunay na Filipina!

Oh dibah yan ang Pinay! Proudly Pinay! At kung nais pa ninyo ng mas malawak na kaalaman tungkol sa mga Filipina huwag kayong mag-atubiling puntahan ang link na ito. At sa mga kapwa ko Pilipino kung nais din ninyong ibahagi ang inyong sariling opinion at kwento tungkol sa atin at nang makilala ng buong mundo kung ano talaga ang tunay na mukha ng mga Filipino sumali at sumuporta sa Filipina Blog Writing Contest at puntahan ang link na ito para sa mga karagdagang detalye.
Mabuhay ang mga Filipina!

6 comments:
Hello Eilanna. Kindly edit your post and add a link pointing to the Filipina Writing Project (http://w3o.blogspot.com/2007/07/filipina-seo-keyword-campaign.html)
Once done, I shall accept and include your entry in our weekly summary this Saturday.
Thank you for joining!!!
Thank you for updating your blog post. I shall include your entry to the summary this Saturday. Will you attend on November 28? Don't forget to confirm. Cheers!
@janettetoral - thank you po!
and you're welcome din po! :) medyo may kalayuan ang venue dito sa amin pero pag walang OT i might be able to make it..magko-confirm na lang po ako ASAP! thanks again. :)
Ipagmalaki ang Pilipina. Ipinagmamalaki ko si Bb. Aileen sa dami ng kanyang mga kakayahan at tagumpay na nakamit sa iba't ibang larangan. Nawa'y patuloy ang kanyang mga magagandang adhikain sa buhay.
@eilanna - super thanks sis!
@jaydj - thanks sweetie
@jaydj - amen to that! Thanks for dropping by! :)
@aileenapolo - sobrang ur welcome sis! :) tribute ko yan sa'yo sobrang late lang, dapat nung bday mo pa yan nai-post weh! :D
Post a Comment